Lunes, Hunyo 8, 2015

PUMAPATAK NA NAMAN ANG ULAN!


Kung ang ulan ay malapot na tsokolate,  
Oh kay sarap ng ulan.

Kung ang ulan ay maasim na mangga,
Oh kay sarap ng ulan.

Ako'y lalabas na bukas ang bibig,
Ahhh, ahhh, ahhh,

O kay sarap ng ulan.

     Ang gandang kantahin ng kantang ito kapag umuulan. Naalala ko pa, grade two ako nang maging favorite ko itong kantahin kapag umuulan. Ang sarap kayang mag-imagine na ang ulan ay parang paborito nating pagkain, mas malakas, siguradong hindi tayo magugutom. Sana ang ulan ay nasa medium lang, meaning, hindi mahina na halos 'di maramdaman, at 'di malakas na sobra ang pagpaparamdam.

I love it when it rains. It brings back memories, at minsan ang sarap lang damhin. Naaalala ko 'yung mga kaibigan ko na madalas kong kasamang tumakbo at magbasa sa ulan. Nasan na kaya sila? I remember kung paanong kung saan-saan kami nakakarating ng bff kong si Analiza Rivera para magtampisaw sa ulan. Haiiizzz...

Sana mas malamig mamayang gabi para mas masarap matulog :-)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento