Hiyahhh there! Ang tagal ko ring nwala sa sirkulasyon :-) Anyways.. just wanna say na i will be again posting ng kung anik-anik dito sa aking blog :-D Sana tangkilikin pa rin... ang sariling atin hehehe...
The Life of ME!
Martes, Pebrero 2, 2016
Martes, Hunyo 23, 2015
HINAING NG ISANG MAGULANG
May nabasa ako sa isang blog (RESIDENTPATRIOT), tungkol ito sa hinaing ng isang ina sa kanyang Grade 1 na anak. Masasabi kong napakatotoo ng kanyang sinasabi. Hindi man niya nilahat, pero patunay ito ng mga kabulastugan at hindi magandang pamamalakad na nangyayari sa mga eskwelahan, mapa-public o private man. Maraming tapat, matatalino at mababait na teachers. Alam ko dahil naranasan ko rin noong nag-aaral pa ako. Pero sa dami nilang magagaling, marami rin at sumusunod na sa bilang ang ilang teachers na hindi ipinamamahagi ang kanilang natutunana sa bawat estudyanteng kanilang tinuturuan.
Bilang isang magulang, nagnanais kami na mapagtapos ang mga anak namin sa maayos at patas na paraan. Pero kung may mga ganitong kaso na mananatiling umiikot sa bawat eskwelahan, siguradong iilang estudyante lang ang magtatapos na may maayos na pinag-aralan.
Narito ang kanyang hinaing na sana'y madinig naman ng nakararaming guro at magulang:
Bilang isang magulang, nagnanais kami na mapagtapos ang mga anak namin sa maayos at patas na paraan. Pero kung may mga ganitong kaso na mananatiling umiikot sa bawat eskwelahan, siguradong iilang estudyante lang ang magtatapos na may maayos na pinag-aralan.
Narito ang kanyang hinaing na sana'y madinig naman ng nakararaming guro at magulang:
Dear Teachers, Principals, School Administration, CHED at DEPED:
Ako po ay isang pangkaraniwang obrero na nagpapa-aral ng anak sa elementarya sa isang pribadong paaralan. Ang aking anak ay Grade 1 pa lamang subalit nagulat po ako dahil marami sa mga kwestyonableng bagay na aking nakamulatan nung ako ay elementarya pa ang hindi pa rin pala nagbabago hanggang ngayon.
Buong pagpapakumbaba ko pong ipinapanukala sa inyo ang ilang mga pagbabagong maaaring makatulong sa mabilis na pagkatuto ng ating mga kabataan sa murang edad pa lamang.
1. Bawasan ang favoritism
Huwag niyo ho sanang bigyan ng pabor ang isang estudyante dahil lang nagbigay siya ng electric fan o kaya kung anong regalo sa inyo.
Nahahalata ho ito ng mga magulang at ng mga estudyante mismo. Huwag ho kayong maging example ng katiwalian sa mga kabataan.
2. Huwag puro lecture at assignment
Oo nga ho at kailangang matuto magsulat ng mga bata at mag-aral maging sa bahay. Pero kung araw-araw na lang ay wala kayo sa loob ng classroom at pinapagsulat lang ang mga bata buong araw, mahiya naman ho sana kayo.
Hindi naman nagbabayad ng matrikula ang mga magulang para maging stenographer ang mga anak namin. Magturo ho kayo at nang may natututunan ang mga anak namin.
3. Ipagamit ang mga libro
Nagbabayad ho kami ng limpak-limpak na salapi para bilhin lahat ng mga libro ng mga bata dahil sabi ninyo required ang lahat ng mga ito. At lahat ho ay binibili namin nang brand new.
Ayaw naman ninyong bumili kami ng 2nd hand at gusto ninyo susulatan pa ang loob ng mga libro.
Subalit kahit na Disyembre na eh wala pa ring kalahati ang nagagamit sa bawat libro ng mga bata. Yung ibang libro naman, ni HINDI PA NAGAMIT o nabuksan kahit isang beses man lang.
Kung ipapabili ninyo ang lahat ng libro sa amin, sana siguraduhin ninyong magagamit ang lahat ng mga ito.
4. Tapusin ang mga libro
Gaya nga po ng nabanggit ko na, kung ipapabili ninyo ang mga libro, sana gamitin ninyo ang mga ito mula umpisa hanggang katapusan.
Malaking aksaya sa pera at parusa sa bata at magulang yung dalhin yung mga libro niya araw-araw tapos eh hindi naman ginagamit.
5. Bawasan ang mga libro
Kung hindi naman po gagamitin ang mga libro, huwag na lang sana ninyo ipabili. Isulat na lang ninyo sa blackboard yung importanteng page at ipa-lecture sa mga bata.
Ang nangyayari ho kasi, bibili kami ng libro, tapos ipapa-lecture din sa bata yung laman ng libro. Iyon lang po ba ang silbi ng mga librong binibili namin? Kopyahin at isulat ang laman sa notebook?
Aksaya sa pera, aksaya sa oras, akasaya sa pagod, aksaya sa papel at aksaya sa puno.
6. Magdagdag ng assistant teachers
Sa dami ho ng mga bata sa isang classroom, hindi namo-monitor ng mga teacher ang progreso ng mga bata lalo na kung elementary pa lang.
Kung may assistant teachers, kahit paano natutulungan nila yung home room teacher na malaman kung nakakasunod ang mga bata sa nangyayari sa classroom.
Yung ibang mga bata, pumapasok at lumalabas sa classroom na walang alam kung ano ang nangyari sa klase nila.
7. Huwag gawing requirement ang camping or field trip
Kung tutuusin, hindi pa ho dapat pinapag-camping at field trip ang mga batang 5 to 9 years old dahil mahirap pa silang mapasunod sa instructions. Lalo na kung mga batang lalaki.
Mahirap ho maintindihan kung bakit excited kayong lumabas kasama ang ganito karaming mga bata na hindi naman ninyo magarantiya ang kaligtasan nila sa mga disgrasya. Tapos gagawin pa ninyong graded at required sa klase.
Ang dami na ho naming pinagkakagastusan na mga magulang, idadagdag pa ninyo itong mga camping at field trip na ito na hindi pa naman ganun kaimportante.
8. Magbigay ng practical tests tungkol sa kagandahang-asal
Magtuturo na lang din po tayo ng kabutihang asal sa mga bata, lubus-lubusin na natin. Magbigay kayo ng project na kung saan dapat silang gumawa ng kabutihan sa kapwa at i-report nila iyon sa klase.
Sayang ho yung mga subject na GMRC, Edukasyon sa Pagpapakatao, Values Education at Religion kung wala itong mga praktikal na application sa buhay ng mga bata.
Mas magandang ma-reinforce ang mga pinag-aaralan nila kung gagamitin sa totoong buhay.
9. Ipalaro sa mga bata ang Pilipinong laro
Okay nga po na itinuturo natin sa mga bata ang mga Laro ng Lahi pero mas maganda ho siguro kung ipapalaro natin ito ng aktwal sa kanila.
Sa panahon ngayon, hindi na pangkaraniwang nilalaro ng mga bata ang tumbang preso, patintero, piko, sipa, etc.
Huwag lang ho panay basketball ang ipalaro ninyo sa mga bata kapag PE. Papaglaruin nyo rin ho ng mga laro ng lahi.
10. Huwag pabayaang mangopya
Sa maagang edad pa lang nila, turuan na ho ninyong huwag mangopya ang mga bata. Ngayon pa lang ho, maging mahigpit na kayo at ituro sa kanila kung bakit hindi mabuti ang mangopya.
Tuturuan din po namin sila sa bahay pero mas tatanim sa isip nila kung nandun sila sa mismong sitwasyon kung saan maaaring maganap ang pangongopya.
11. Huwag isakripisyo ang academics para sa mga extra curricular
Napansin ko rin po na ang daming activities ng mga Grade 1 na may kinalaman sa pagpe-perform sa stage atsaka mga programs gaya ng UN, Linggo ng Wika at mga school festivals.
Okay ho sana kung hindi napapabayaan yung mga klase ng bata pero minsan nauubos yung araw nila sa kaka-practice ng sayaw or tula or kung anong dapat nila i-perform.
Maganda nga po yung natututo sila ng mga ibang bagay bukod sa academics pero huwag niyo namang ihinto yung pag-aaral ng mga bata para lang sa mga program na ito. Priority pa rin po dapat ang academic education nila.
Ang dami-dami na ngang bakasyon ng mga bata (sembreak, typhoon break, Christmas vacation, illness break) nababawasan pa nitong mga extra-curricular na para bang ito na ang nagiging priority. Minsan ho isang buong linggong puro practice at paghahanda lang sa event ang ginagawa ng mga bata. Ano na ho nangyari sa pag-aaral nila? Ga-graduate sila ng Grade 1, hindi marunong magbasa at magbilang pero marunong sumayaw?
Maraming salamat po sa anumang mga aksiyon ang maaari ninyong gawin tungkol sa mga bagay na ito.
Gumagalang,
RP
Lunes, Hunyo 8, 2015
PUMAPATAK NA NAMAN ANG ULAN!
Kung ang ulan ay malapot na tsokolate,
Oh kay sarap ng ulan.
Kung ang ulan ay maasim na mangga,
Oh kay sarap ng ulan.
Ako'y lalabas na bukas ang bibig,
Ahhh, ahhh, ahhh,
O kay sarap ng ulan.
Ang gandang kantahin ng kantang ito kapag umuulan. Naalala ko pa, grade two ako nang maging favorite ko itong kantahin kapag umuulan. Ang sarap kayang mag-imagine na ang ulan ay parang paborito nating pagkain, mas malakas, siguradong hindi tayo magugutom. Sana ang ulan ay nasa medium lang, meaning, hindi mahina na halos 'di maramdaman, at 'di malakas na sobra ang pagpaparamdam.
I love it when it rains. It brings back memories, at minsan ang sarap lang damhin. Naaalala ko 'yung mga kaibigan ko na madalas kong kasamang tumakbo at magbasa sa ulan. Nasan na kaya sila? I remember kung paanong kung saan-saan kami nakakarating ng bff kong si Analiza Rivera para magtampisaw sa ulan. Haiiizzz...
Sana mas malamig mamayang gabi para mas masarap matulog :-)
Lunes, Hunyo 1, 2015
WALA LANG... :-)
Boring Tuesday afternoon... 'yan ang tamang description para sa araw na ito. Kaya nga eto, nag-try mag-selfie ulit. GGSS lang ang peg hahaha. Anyways, gusto ko lang malaman nyo na kapag wala kayong magawa e di ganito ang gawin nyo. Selfie doon, selfie dito. Pero siyempre, masama rin ang sobra.. dapat moderate lang.
Actually, after breaktime balik-work ulit. Puzzle dito, puzzle doon, article dito, article doon, layout here, there and everywhere. Ang saya diba?! Pero kahit bagot na bagot na kayo, dapat chillax pa rin, looking good and pretty pa rin, sa mga guys dapat looking macho and gwapo pa rin (kahit hindi hehehe). Eh bakit ba, sarili naman natin toh diba, alangan namang pintasan ko diba.
Well, baka gusto nyo ring mag-post ng mga selfie nyo, pwede kayong mag-post dito sa wall ko kung gusto nyo (kung gusto nyo lang ha, walang sapilitan toh). Just send me your latest selfie and description of yourself and voila magugulat ka na lang naka-blog ka na.
Hihintayin ko yan. Yan eh kung wala kang takot na ipangalandakan sa mundo ang kagwapuhan at kagandahan mo. (Sana meron hahaha)
P.S. Grabeeee, ang haba na ng hair ko diba?! Gusto ko ngang pagupitan eh... parang ganito... Uso yan ngayon, ganyan gupit ng mga anak ko hehehe.. Bagay din kaya sa akin?
Actually, after breaktime balik-work ulit. Puzzle dito, puzzle doon, article dito, article doon, layout here, there and everywhere. Ang saya diba?! Pero kahit bagot na bagot na kayo, dapat chillax pa rin, looking good and pretty pa rin, sa mga guys dapat looking macho and gwapo pa rin (kahit hindi hehehe). Eh bakit ba, sarili naman natin toh diba, alangan namang pintasan ko diba.
Well, baka gusto nyo ring mag-post ng mga selfie nyo, pwede kayong mag-post dito sa wall ko kung gusto nyo (kung gusto nyo lang ha, walang sapilitan toh). Just send me your latest selfie and description of yourself and voila magugulat ka na lang naka-blog ka na.
Hihintayin ko yan. Yan eh kung wala kang takot na ipangalandakan sa mundo ang kagwapuhan at kagandahan mo. (Sana meron hahaha)
P.S. Grabeeee, ang haba na ng hair ko diba?! Gusto ko ngang pagupitan eh... parang ganito... Uso yan ngayon, ganyan gupit ng mga anak ko hehehe.. Bagay din kaya sa akin?
Martes, Mayo 26, 2015
Promise!
Hi guys, I just wanna share with you my first ever short story sa Wattpad. Actually, tinary ko lang and happy naman ako sa result. Kaya lang hindi na nasundan, meron pa nga akong hindi natatapos kasi ang daming pumapasok sa utak ko. Ganun pala 'yun kapag mahaba ang isusulat... Haizzz, anyway.. sana ma-enjoy n'yo!
PROMISE
*******************************************************************************
PROMISE
*******************************************************************************
ALEXA POV
Lumaki na tayong magkasama. Umulan, umaraw, sa putikan o arawan di tayo naghihiwalay. May tagpuan pa nga tayo. Dun sa may balon malapit sa bahay namin. May swing din dun at padulasan. Nag-aaway pa nga tayo kung sino ang mauunang gumamit nun. Natatandaan mo, lagi tayong pinapagalitan ni Nanay dahil umuuwi tayong kundi basa sa ulan, basa sa pawis at nanlilimahid. Ikaw, tatakbo dahil parating ang Nanay mo na may dalang pamalo.
Nakakatuwa kasi ang saya-saya natin noon..... Noong mga bata pa tayo. Pero dumating ang pagbabago. High school na tayo. Nagkaroon na ako ng ibang kaibigan, ikaw rin ang dami nang barkada. Nabawasan na ang oras natin sa isa't isa kahit nagkikita pa sa eskwelahan. Pero madalas nakikita kitang nakatingin sa akin. May sasabihin ka ba? Sana sinabi mo na.
Ang dami mong pinagbago, pero ako, ganun pa rin pero mukhang di mo yun nakikita. At masakit para sa akin yun. Masaya ka habang kasama mo ang iba, masaya ka kahit di tayo nagkakausap. Pero ako, andito pa rin naghihintay na kausapin mo.
Dumating ang oras na kailangan na ninyong mag-migrate sa Korea. Successful na dun ang ate mo. Masaya ako para sa iyo. Pero iba ang saya ko kasi naalala mo ako. Nagpunta ka agad sa bahay para magpaalam sa akin. Naaalala ko nun, ang saya ko, pero ang lungkot mo. Di ko alam kung bakit, suguro dahil maiiwan mo ang barkada mo. Maiiwan ako. (hoping pa rin ako alam mo ba yun?)
“Hintayin mo ako ha, babalik pa rin ako, babalikan kita,” yun ang sabi mo sa akin. At tumango ako. Ang saya ko, umasa na naman ako.
After 5 years, bumalik ka. Ang gwapo mo kaya nung una kitang nasilayan sa airport. Mamula-mula ang balat mo, mas makinis pa nga yata ang kutis mo. Nahiyang ka dun alam ko. Pero para sa akin ikaw pa rin yung Alex na nakilala ko. Alex na kalaro ko. Alex na halos kapangalan ko. Ako nga pala si Alexandria. Alexa for short.
Pumunta ka sa bahay. Ang saya-saya mo. Pero malungkot ako. Eksaktong pagbalik mo, paalis naman ako. Kami pala ng pamilya ko. Kailangan naming mamalagi sa Amerika dahil may importanteng aasikasuhin sila nanay at tatay. Nalungkot ka.
Pero bago kami umalis, inaya kitang mamasyal. Gusto kong sulitin ang ilang araw na nalalabi para sa pag-alis namin. Nagpunta tayong EK, first time ko pumunta dun. Ang daming rides. Halos sakyan na natin lahat kaso di pwede eh. Hinihingal ako lalo na dun sa mabibilis na rides. Pero okay lang sa iyo kahit di na tayo sumakay. Ang importante basta masaya ako sabi mo.
“Bakit ang putla-putla mo? May masakit ba sa iyo?” tanong mo sa akin. Sabi ko wala, baka sa sobrang pagod lang. At binalewala na natin yun. Umuwi tayong masaya. Inihatid mo ako sa bahay. Halos magtatalon ako sa tuwa kahit pa nga wala ka namang kinu-confirm sa akin. Masaya na ako dun. Naramdaman ko yung pagmamahal mo. Hinintay mo pa akong makapasok ng bahay namin saka ka umalis.
Pagpasok ko, napangiti na naman ako, pero biglang nag-black out.
Paalis na kami, inihatid mo kami sa airport. Ang higpit ng hawak mo sa kamay ko. At titig na titig ako dun. Kanina ka pa buntung-hininga ng buntung-hininga. May gusto kang sabihin alam ko. Pero pinipigilan mo. Ayokong kulitin ka kaya nagsawalang-kibo na lang ako. Bago kami sumakay ng eroplano, inipit mo ang isang sulat sa kamay ko, may kasama yung locket. Nagulat ako kasi piktyur nating dalawa yung nasa locket. Pero di ko muna binasa yung letter. Suspense ika nga. Siguro sa eroplano na lang.
“Hihintayin kita ha, babalik ka di ba? After two years simula ngayon ha, sa dating tagpuan. Huwag mong kalimutan ang chocolates ko ha,” pahabol mo pang bilin sa akin. At muli nangiti ako.
ALEX POV
After two years makikita na ulit kita. Ngayon handang-handa na akong aminin sa iyo ang nararamdaman ko. Ready na ako. Alam kong matutuwa ka kasi alam kong matagal mo na itong hinihintay. Matagal mo na akong gusto, alam ko yun. Pero pasensiya ka na. Naghanda talaga ako kung kelan ko sasabihin sa iyo kasi ayokong mapahiya sa iyo.
At heto nga, bihis na bihis ako kasi alam kong naghihintay ka sa dati nating tagpuan. Di ko makakalimutan yun alam mo ba. Sana ikaw rin. Sa huling sulat mo sa akin, sabi mo malapit mo nang madala ang chocolates ko. Natawa ako, naalala mo pala yun.
Mabilis akong nagpunta sa may balon malapit sa bahay nyo. At agad akong napangiti kasi andun ka na, nakaupo sa swing. Sa paglingon mo, nagtama ang mata natin. At ngumiti ka. Mabilis kitang pinuntahan at niyakap nang mahigpit. Na-miss kita alam mo ba yun. Naiyak ako. Kahit nakakahiyang umiyak dahil lalaki ako, di ko napigilan.
“Kumusta ka na? Akala ko kinalimutan mo na ako. Masaya ako kasi andito ka na?” sabi ko yun sa iyo. Pero tahimik ka lang na nakangiti. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.
“Alam mo bang hinintay ko ang araw na ito. Kahit nagsusulatan tayo, gusto ko pa rin na magkaharap tayo kapag sinabi ko ito. Alexa, mahal kita. Alam kong mahal mo rin ako, naramdaman ko yun. Pero naduwag ako. Sana ganun pa rin ang nararamdaman mo sa akin.”
At hinawakan mo ang mga kamay ko. Bakit hanggang ngayon namumutla ka, tanong ko. Pero muli, ngumiti ka lang. Niyakap ako.... nang mahigpit at naamoy ko ang mabango mong buhok.
“Sandali lang Alex, kukunin ko lang sa bahay ang pasalubong ko sa iyong chocolates,” paalam mo sa akin. At naghintay ako.
Pero isang oras na hindi ka pa bumabalik. Kaya nagpasya akong pumunta sa bahay nyo. Pinagbuksan ako ng nanay mo. Ang laki ng ngiti ko.
“Si Alexa po. Kausap ko kasi siya kanina. Sabi niya, kukunin niya lang yung chocolates na pasalubong niya sa akin,” sabi ko sa nanay mo. Pero biglang nanlaki ang mata niya. Namutla siya na ikinagulat ko. May nasabi ba akong masama.
“Bakit po? Pasensiya na po kung may nasabi akong hindi maganda. Hindi po ba pwede si Alexa?” dire-diretso kong sabi.
Pero ganun pa rin ang reaksiyon ng nanay mo. Pinapasok niya ako sa bahay nyo. Natuwa ako kasi tatawagin ka na siguro niya. Pero nagulat ako nang may iabot siya sa akin. Kahon yun..... isang kahon ng chocolates. Hindi lang chocolates kasi may kasama yung sulat. At biglang tumulo ang luha ko.
“Pinakamamahal kong Alex,
Pasensiya ka na ha. Ayoko sanang dito sa iyo magpaalam pero di ko na kasi kinaya eh. Kulang ako sa exercise di tulad mo. Alam mo, masaya ako kasi naiparamdam mo sa akin na mahal mo ako. Mahal din kita. Naramdaman mo di ba. Nung araw na umalis kami papuntang Amerika, alam ko mahal mo na ako. Pasensiya ka na ha kasi nagkasalisi tayo.
Huwag kang umiyak ha. Wala eh, gusto na Niya akong makasama. Hayaan mo na. Basta tandaan mo, mahal kita. Pasensiya ka na ulit kasi inilihim ko sa iyo. Ayokong sa akin lang umikot ang mundo mo. At ayokong masaktan ka.
Yung chocolates, inipon ko lahat yan. Alam ko paborito mo yan. Huwag kang mag-alala, darating ako sa tagpuan natin. Pero sorry ha, huli na yun. Salamat sa lahat.
Nagmamahal,
Alexa.
Di ako makapaniwala. Pero kanina lang mahigpit pa tayong magkayakap. Muli tumulo ang luha ko. Bakit kung kelan handang-handa na akong makasama ka saka ka pa nawala. Hindi ko na napigilan, humagulgol na ako.
“Alam mo ba Alex, nung nasa Amerika kami, ikaw ang lagi niyang bukambibig. Yung mga chocolates, inipon niya para sa iyo. Kahit nakaratay siya sa ospital, araw-araw siyang nagbibilin na mag-ipon ng isang chocolates kada araw. Ibinilin niya yan na ibigay sa iyo pagkabalik namin. Alam mo bang ipinilit niyang bumalik kami limang araw bago siya mawala. Kaya sinunod namin siya,” paliwanag yan ng nanay mo. Sabi pa niya, nagkasakit ka raw sa puso. Coronary Heart Disease sabi ng nanay mo. Dahil mahina ang katawan mo, di mo kinaya ang gamutan. Kaya pala madalas kitang napapansing maputla at nanghihina.
Nandito ako ngayon sa puntod mo. Sa tabi ng balon malapit sa bahay nyo. Sabi ng nanay mo ibinilin mong dito ka ilibing. Nagsisisi ako kasi ngayon ko lang nasabi sa yo na mahal na mahal kita. Sayang di ba, alam ko magiging masaya ka pero alam ko mas masaya ka na sa piling Niya. Ako, siyempre katulad ng sinabi mo, susubukan kong humanap ng ibang magiging kaibigan. Basta kahit andiyan ka na, huwag mo pa rin akong kalilimutan. Nararamdaman ko pa ang yakap mo.
“Aray”, napalingon ako dahil sa pagtama ng bola sa ulo ko. At nakita kita, cute, yun ang tamang deskripsiyon.
“Sorry ha,” ang sabi mo sabay kuha ng bola. Nakatayo ka pa rin sa harap ko hinihintay ang reaksiyon ko. Tinitigan kita. At inilahad mo ang kamay mo.
“Kumusta? Ako nga pala si Alicia!” at muling namuo ang ngiti sa labi ko. Salamat Alexa, sa bagong kaibigan.
http://www.wattpad.com/user/LordXtian
Linggo, Mayo 24, 2015
Whatttaaaaa Summmmeerrr... Soooo hottttt
GRABE!!!
Ang init juicekolord! Pero smile pa rin, bawas init 'pag naka-smile!
Ang sarap siguro ng may ganito araw-araw sa ofis hehehe
Konting trivia lang guys: Alam nyo bang wala talagang summer season sa Pinas. We only have wet and dry season. Ang summer ay kasama sa four season; Fall, Winter, Spring at Summer.
Kaya naman dahil sa sobrang init ngayon, ugaliin nating uminom ng maraming tubig para iwas heat stroke (gosh ang dami nang nakaranas ng ganito). Ang mga junakis, as much as possible, paliguan thrice a day para maginahawahan at makaiwas na rin sa bungang-araw. Magpalit din regularly ng damit, dapat ay light color para mas presko. Para mas exciting ang summer, gawa na tayo ng shake shake shake... Sa ganitong paraan, mainit man, hindi ka naman mabo-boring kung puro tubig. Aba dapat makulay pa rin ang summer. Ice candy, smoothies, ice cream at kung anik-anik pa, i-push na!
Ang init juicekolord! Pero smile pa rin, bawas init 'pag naka-smile!
Ang sarap siguro ng may ganito araw-araw sa ofis hehehe
Konting trivia lang guys: Alam nyo bang wala talagang summer season sa Pinas. We only have wet and dry season. Ang summer ay kasama sa four season; Fall, Winter, Spring at Summer.
Kaya naman dahil sa sobrang init ngayon, ugaliin nating uminom ng maraming tubig para iwas heat stroke (gosh ang dami nang nakaranas ng ganito). Ang mga junakis, as much as possible, paliguan thrice a day para maginahawahan at makaiwas na rin sa bungang-araw. Magpalit din regularly ng damit, dapat ay light color para mas presko. Para mas exciting ang summer, gawa na tayo ng shake shake shake... Sa ganitong paraan, mainit man, hindi ka naman mabo-boring kung puro tubig. Aba dapat makulay pa rin ang summer. Ice candy, smoothies, ice cream at kung anik-anik pa, i-push na!
Huwebes, Mayo 21, 2015
Ito ang Summer Ko! (the pahabol summer pics)
Hayah guys! Pahabol summer lang tutal malapit na tag-ulan. And besides, lahat na yata nakapag-swimming kami na lang 'yung nahuli huhuhu. Anyways, just wanna share sa inyo 'yung pahabol summer adventure (adventure daw oh!) namin. Family and friends lang. Nagpa-reserve lang kami ng pool and then voila, nakapag-summer outing na kami. Ang saya-saya! At ang sarap, ang sarap-sarap, ang sarap kaya hahaha (sabi nga ni Vice).
Well eto naaaa....
Well eto naaaa....
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)






















