Martes, Mayo 26, 2015

Promise!

     Hi guys, I just wanna share with you my first ever short story sa Wattpad. Actually, tinary ko lang and happy naman ako sa result. Kaya lang hindi na nasundan, meron pa nga akong hindi natatapos kasi ang daming pumapasok sa utak ko. Ganun pala 'yun kapag mahaba ang isusulat... Haizzz, anyway.. sana ma-enjoy n'yo!


PROMISE

*******************************************************************************
ALEXA POV
Lumaki na tayong magkasama. Umulan, umaraw, sa putikan o arawan di tayo naghihiwalay. May tagpuan pa nga tayo. Dun sa may balon malapit sa bahay namin. May swing din dun at padulasan. Nag-aaway pa nga tayo kung sino ang mauunang gumamit nun. Natatandaan mo, lagi tayong pinapagalitan ni Nanay dahil umuuwi tayong kundi basa sa ulan, basa sa pawis at nanlilimahid. Ikaw, tatakbo dahil parating ang Nanay mo na may dalang pamalo.
Nakakatuwa kasi ang saya-saya natin noon..... Noong mga bata pa tayo. Pero dumating ang pagbabago. High school na tayo. Nagkaroon na ako ng ibang kaibigan, ikaw rin ang dami nang barkada. Nabawasan na ang oras natin sa isa't isa kahit nagkikita pa sa eskwelahan. Pero madalas nakikita kitang nakatingin sa akin. May sasabihin ka ba? Sana sinabi mo na.
Ang dami mong pinagbago, pero ako, ganun pa rin pero mukhang di mo yun nakikita. At masakit para sa akin yun. Masaya ka habang kasama mo ang iba, masaya ka kahit di tayo nagkakausap. Pero ako, andito pa rin naghihintay na kausapin mo.
Dumating ang oras na kailangan na ninyong mag-migrate sa Korea. Successful na dun ang ate mo. Masaya ako para sa iyo. Pero iba ang saya ko kasi naalala mo ako. Nagpunta ka agad sa bahay para magpaalam sa akin. Naaalala ko nun, ang saya ko, pero ang lungkot mo. Di ko alam kung bakit, suguro dahil maiiwan mo ang barkada mo. Maiiwan ako. (hoping pa rin ako alam mo ba yun?)
             “Hintayin mo ako ha, babalik pa rin ako, babalikan kita,” yun ang sabi mo sa akin. At tumango ako. Ang saya ko, umasa na naman ako.
            After 5 years, bumalik ka. Ang gwapo mo kaya nung una kitang nasilayan sa airport. Mamula-mula ang balat mo, mas makinis pa nga yata ang kutis mo. Nahiyang ka dun alam ko. Pero para sa akin ikaw pa rin yung Alex na nakilala ko. Alex na kalaro ko. Alex na halos kapangalan ko. Ako nga pala si Alexandria. Alexa for short.
            Pumunta ka sa bahay. Ang saya-saya mo. Pero malungkot ako. Eksaktong pagbalik mo, paalis naman ako. Kami pala ng pamilya ko. Kailangan naming mamalagi sa Amerika dahil may importanteng aasikasuhin sila nanay at tatay. Nalungkot ka.
            Pero bago kami umalis, inaya kitang mamasyal. Gusto kong sulitin ang ilang araw na nalalabi para sa pag-alis namin. Nagpunta tayong EK, first time ko pumunta dun. Ang daming rides. Halos sakyan na natin lahat kaso di pwede eh. Hinihingal ako lalo na dun sa mabibilis na rides. Pero okay lang sa iyo kahit di na tayo sumakay. Ang importante basta masaya ako sabi mo.
            “Bakit ang putla-putla mo? May masakit ba sa iyo?” tanong mo sa akin. Sabi ko wala, baka sa sobrang pagod lang. At binalewala na natin yun. Umuwi tayong masaya. Inihatid mo ako sa bahay. Halos magtatalon ako sa tuwa kahit pa nga wala ka namang kinu-confirm sa akin. Masaya na ako dun. Naramdaman ko yung pagmamahal mo. Hinintay mo pa akong makapasok ng bahay namin saka ka umalis.
            Pagpasok ko, napangiti na naman ako, pero biglang nag-black out.
            Paalis na kami, inihatid mo kami sa airport. Ang higpit ng hawak mo sa kamay ko. At titig na titig ako dun. Kanina ka pa buntung-hininga ng buntung-hininga. May gusto kang sabihin alam ko. Pero pinipigilan mo. Ayokong kulitin ka kaya nagsawalang-kibo na lang ako. Bago kami sumakay ng eroplano, inipit mo ang isang sulat sa kamay ko, may kasama yung locket. Nagulat ako kasi piktyur nating dalawa yung nasa locket. Pero di ko muna binasa yung letter. Suspense ika nga. Siguro sa eroplano na lang.
            “Hihintayin kita ha, babalik ka di ba? After two years simula ngayon ha, sa dating tagpuan. Huwag mong kalimutan ang chocolates ko ha,” pahabol mo pang bilin sa akin. At muli nangiti ako.
            ALEX POV
            After two years makikita na ulit kita. Ngayon handang-handa na akong aminin sa iyo ang nararamdaman ko. Ready na ako. Alam kong matutuwa ka kasi alam kong matagal mo na itong hinihintay. Matagal mo na akong gusto, alam ko yun. Pero pasensiya ka na. Naghanda talaga ako kung kelan ko sasabihin sa iyo kasi ayokong mapahiya sa iyo.
            At heto nga, bihis na bihis ako kasi alam kong naghihintay ka sa dati nating tagpuan. Di ko makakalimutan yun alam mo ba. Sana ikaw rin. Sa huling sulat mo sa akin, sabi mo malapit mo nang madala ang chocolates ko. Natawa ako, naalala mo pala yun.
            Mabilis akong nagpunta sa may balon malapit sa bahay nyo. At agad akong napangiti kasi andun ka na, nakaupo sa swing. Sa paglingon mo, nagtama ang mata natin. At ngumiti ka. Mabilis kitang pinuntahan at niyakap nang mahigpit. Na-miss kita alam mo ba yun. Naiyak ako. Kahit nakakahiyang umiyak dahil lalaki ako, di ko napigilan.
            “Kumusta ka na? Akala ko kinalimutan mo na ako. Masaya ako kasi andito ka na?” sabi ko yun sa iyo. Pero tahimik ka lang na nakangiti. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.
            “Alam mo bang hinintay ko ang araw na ito. Kahit nagsusulatan tayo, gusto ko pa rin na magkaharap tayo kapag sinabi ko ito. Alexa, mahal kita. Alam kong mahal mo rin ako, naramdaman ko yun. Pero naduwag ako. Sana ganun pa rin ang nararamdaman mo sa akin.”
            At hinawakan mo ang mga kamay ko. Bakit hanggang ngayon namumutla ka, tanong ko. Pero muli, ngumiti ka lang. Niyakap ako.... nang mahigpit at naamoy ko ang mabango mong buhok.
            “Sandali lang Alex, kukunin ko lang sa bahay ang pasalubong ko sa iyong chocolates,” paalam mo sa akin. At naghintay ako.
            Pero isang oras na hindi ka pa bumabalik. Kaya nagpasya akong pumunta sa bahay nyo. Pinagbuksan ako ng nanay mo. Ang laki ng ngiti ko.
            “Si Alexa po. Kausap ko kasi siya kanina. Sabi niya, kukunin niya lang yung chocolates na pasalubong niya sa akin,” sabi ko sa nanay mo. Pero biglang nanlaki ang mata niya. Namutla siya na ikinagulat ko. May nasabi ba akong masama.
            “Bakit po? Pasensiya na po kung may nasabi akong hindi maganda. Hindi po ba pwede si Alexa?” dire-diretso kong sabi.
            Pero ganun pa rin ang reaksiyon ng nanay mo. Pinapasok niya ako sa bahay nyo. Natuwa ako kasi tatawagin ka na siguro niya. Pero nagulat ako nang may iabot siya sa akin. Kahon yun..... isang kahon ng chocolates. Hindi lang chocolates kasi may kasama yung sulat. At biglang tumulo ang luha ko.
        “Pinakamamahal kong Alex,
        Pasensiya ka na ha. Ayoko sanang dito sa iyo magpaalam pero di ko na kasi kinaya eh. Kulang ako sa exercise di tulad mo. Alam mo, masaya ako kasi naiparamdam mo sa akin na mahal mo ako. Mahal din kita. Naramdaman mo di ba. Nung araw na umalis kami papuntang Amerika, alam ko mahal mo na ako. Pasensiya ka na ha kasi nagkasalisi tayo.
        Huwag kang umiyak ha. Wala eh, gusto na Niya akong makasama. Hayaan mo na. Basta tandaan mo, mahal kita. Pasensiya ka na ulit kasi inilihim ko sa iyo. Ayokong sa akin lang umikot ang mundo mo. At ayokong masaktan ka.
        Yung chocolates, inipon ko lahat yan. Alam ko paborito mo yan. Huwag kang mag-alala, darating ako sa tagpuan natin. Pero sorry ha, huli na yun. Salamat sa lahat.
        Nagmamahal,
        Alexa.
            Di ako makapaniwala. Pero kanina lang mahigpit pa tayong magkayakap. Muli tumulo ang luha ko. Bakit kung kelan handang-handa na akong makasama ka saka ka pa nawala. Hindi ko na napigilan, humagulgol na ako.
            “Alam mo ba Alex, nung nasa Amerika kami, ikaw ang lagi niyang bukambibig. Yung mga chocolates, inipon niya para sa iyo. Kahit nakaratay siya sa ospital, araw-araw siyang nagbibilin na mag-ipon ng isang chocolates kada araw. Ibinilin niya yan na ibigay sa iyo pagkabalik namin. Alam mo bang ipinilit niyang bumalik kami limang araw bago siya mawala. Kaya sinunod namin siya,” paliwanag yan ng nanay mo. Sabi pa niya, nagkasakit ka raw sa puso. Coronary Heart Disease sabi ng nanay mo. Dahil mahina ang katawan mo, di mo kinaya ang gamutan. Kaya pala madalas kitang napapansing maputla at nanghihina.
            Nandito ako ngayon sa puntod mo. Sa tabi ng balon malapit sa bahay nyo. Sabi ng nanay mo ibinilin mong dito ka ilibing. Nagsisisi ako kasi ngayon ko lang nasabi sa yo na mahal na mahal kita. Sayang di ba, alam ko magiging masaya ka pero alam ko mas masaya ka na sa piling Niya. Ako, siyempre katulad ng sinabi mo, susubukan kong humanap ng ibang magiging kaibigan. Basta kahit andiyan ka na, huwag mo pa rin akong kalilimutan. Nararamdaman ko pa ang yakap mo.
“Aray”, napalingon ako dahil sa pagtama ng bola sa ulo ko. At nakita kita, cute, yun ang tamang deskripsiyon.
“Sorry ha,” ang sabi mo sabay kuha ng bola. Nakatayo ka pa rin sa harap ko hinihintay ang reaksiyon ko. Tinitigan kita. At inilahad mo ang kamay mo.
“Kumusta? Ako nga pala si Alicia!” at muling namuo ang ngiti sa labi ko. Salamat Alexa, sa bagong kaibigan.

http://www.wattpad.com/user/LordXtian

Linggo, Mayo 24, 2015

Whatttaaaaa Summmmeerrr... Soooo hottttt

GRABE!!!

Ang init juicekolord! Pero smile pa rin, bawas init 'pag naka-smile!

Ang sarap siguro ng may ganito araw-araw sa ofis hehehe

Konting trivia lang guys: Alam nyo bang wala talagang summer season sa Pinas. We only have wet and dry season. Ang summer ay kasama sa four season; Fall, Winter, Spring at Summer.

Kaya naman dahil sa sobrang init ngayon, ugaliin nating uminom ng maraming tubig para iwas heat stroke (gosh ang dami nang nakaranas ng ganito). Ang mga junakis, as much as possible, paliguan thrice a day para maginahawahan at makaiwas na rin sa bungang-araw. Magpalit din regularly ng damit, dapat ay light color para mas presko. Para mas exciting ang summer, gawa na tayo ng shake shake shake... Sa ganitong paraan, mainit man, hindi ka naman mabo-boring kung puro tubig. Aba dapat makulay pa rin ang summer. Ice candy, smoothies, ice cream at kung anik-anik pa, i-push na!

Huwebes, Mayo 21, 2015

Ito ang Summer Ko! (the pahabol summer pics)

Hayah guys! Pahabol summer lang tutal malapit na tag-ulan. And besides, lahat na yata nakapag-swimming kami na lang 'yung nahuli huhuhu. Anyways, just wanna share sa inyo 'yung pahabol summer adventure (adventure daw oh!) namin. Family and friends lang. Nagpa-reserve lang kami ng pool and then voila, nakapag-summer outing na kami. Ang saya-saya! At ang sarap, ang sarap-sarap, ang sarap kaya hahaha (sabi nga ni Vice).

Well eto naaaa....

















The Beautiful and Stressful Life of ME!


     It's been a long day of working (5 hours pa lang naman natatapos ko ngayon hehehe) when I said to myself that i wanted to create my own blog (nainggit kasi hehehe). Marami na akong nakitang blogs mostly about lovelife, love story, sad love story, quotes, comedy story at kung anik-anik pa. I love reading stories from Wattpad. Nakakatuwa kasi hindi lang puro pagmamahalan ang meron dun. iba-iba ang genre. At gusto ko 'yun.

Hindi ako ganun kagaling magsulat pero gustung-gusto ko talagang magsulat. As a matter of fact (fact talaga!), may mga naisulat na ako dun but sad to say... hindi ko matapos-tapos. Ang hirap pala (comment pa naman ako ng comment na mag-UD na sila hahaha).

So because of that... siguro dito ko ita-try magsulat ng story, or 'yung mga naisip ko lang. Kung biglang may pumasok sa utak kong malaki-laki naman eh 'di isulat devah! Actually, I've been writing stories way back high school days pa (kaso 'di ko 'lam san na sila napunta huhuhu). With pictures pa 'yun infairness (oy ako nag-sketch nun!). Siguro ngayon, ita-try ko ulit. I need your support guys. Badly! hahaha.

Siguro nagtataka kayo kung bakit Beautiful and Stressful Life of ME ang title noh? Coz, beautiful naman talaga ang buhay ko bukd sa beautiful naman ako hahaha. I have wonderful kids
and loving hubby (though we're not married).
May challenge ang buhay ko. Stressful? Sino ba ang hindi. Lahat naman may mga pagkakataong nai-stress sa akin pa kayang may wonderful kids pero super super over sa kulit naman! hahaha... But that's life... dapat may kaunting spice diba.

Been working as an Editorial Assistant (coz I think I can't claim na Editor ako hehehe) for about 11 months now. And mind you, baka madalang kong i-update itong blog ko... 'Pag siguro bilog ang buwan hehehe (madalas kaya 'yun).

Ang haba noh, ang gusto ko lang naman iparating ay, magbasa kayo everytime na may update ok!



"I may not be totally perfect, But parts of me are excellent"